subalit, ngunit, datapwat sa mga lalaki
nakasalubong ko kanina ang isa sa mga natipuhan ko nung bago pa ko dito sa office. na-type-an ko sya kasi medyo hawig nya si ex papa reke! :p or at least he reminds me of him. :) kaso agad namang nawala ung pagka-crush ko sa kanya kasi naman sobrang talino to the point na weird na. hehehe. one time we had a training. pinagawa kami ng schedule estimation lang given na lalagyan lang namin ng tiles ang floor. schedule estimation lang kung gano katagal namin magagawa yung task. aba, sya, tanong nang tanong about sizes ng tiles, size ng room, at kung ano ano pa. maya maya pag-present ng mga schedules namin, di pa sya tapos! at vaket? kasi di pa tapos yung computation nya na gumagamit ng mga integral at direvatives! gumawa sya ng formula at pinakita nya sa min. ang ganda ng integrals! bumulaga yung mata nung trainer! hahaha. pero in fairness, matalino talaga sya. gaya ni ex papa reke. nasa security sya. bigatin yung mga security people eh kasi they deal with heavy formulae, algorithms, and computation. pero aside from being intelligent nerdy, may amoy din sya! at jan natuldukan ang pagkagusto ko sa kanya! hahaha
ang dami ko ring mga naging crush. pero usually merong mga subalit, ngunit, datapwat, at pero sa mga crush ko. tulad nga nung naikuento kong ex papa reke lookalike. meron din akong crush na indian. perfect na sana with perfect eyes and teeth subalit may bigote. may naging crush akong super guapo sa office ngunit napaka-aloof at parang suplado. meron namang chinese pero ang laki ng jaw. para tuloy jaws! hehehe.
parating may mali. at yun ang mali kasi naghahanap tayo ng perfect na crush. pero hindi naman talaga ako guilty sa pagkakamaling yan. sinabihan nga ako ni ate mer na wala na daw akong pili at kung sino sino na lang na-ta-type-an ko! pero excuse me lang ate mer ha, marunong lang akong mag-appreciate what little beauty those guys had. at dahil dyan marami akong naging boylets kahit karamihan sa kanila shortlived lang! hehehe. kaya ang payo ko is kung type mo kahit mata lang nya at kahit may buhok pang nakalabas sa ilong nya, mahalin mo na! malay mo, magaling pala mag-kiss at nakakakiliti pa yung buhok nya sa pag-kiss! hehehe.
madali lang talaga akong magka-crush. at may instances na madali din akong ma-turn-off. nangunguna as turn-off thing ko ang amoy. tatanggapin ko ang buhok sa ilong. tatanggapin ko ang ka-weirduhan. pero goodbye ako pag may amoy! :p
2 comments:
Hahaha natawa naman ako. Libog lang 'yan.
extinguished na ang libog na yan pare! hahaha
Post a Comment