pag-ibig nga ba?
marami ang palatandaan ng pag-ibig. tulad na lang ng:
- kaya mong tingnan ang buhok nya sa ilong na sumisilip pabalik sayo kahit nakakadiri at yan ang ayaw na ayaw mong makita sa isang tao. pero pag sya, ok lang kahit mahaba ang hair... sa ilong... hehehe
- kaya mong pagmasdan ang pagtulog nya habang naaamoy mo ang bad breath sa hininga nya. ini-inhale mo ang ini-exhale nya kasi ang nasa isip mo lang is that that is the closest you could ever get to him.
- tanggap mo ang sakit ng hindi pag pansin nya syo. iniisip mo na lang na magmahal lang ng walang kapalit na kailanganin.
- pangarap nyay pangarap mo rin para sa kanya.
nakaka-relate ba kayo? may tao na nakakapagpagawa sa inyo ng ganyan? iilan lang yan sa mga ka-cornyhan na kaya mong gawin pag meron kang kinikislapan ng iyong mga mata. may mabababaw kang nagagawa tulad na lang ng paghigop ng bad breath nya at meron namang malalalim tulad ng paghahangad ng kabutihan para sa kanya kahit na ang kahahantungan nun ay walang magiging "kayong dalawa".
sige lang. ok lang. pag-ibig naman yan e.
sabi nga ng isang kaibigan at housemate, hindi sa pag-ibig nagmumula ang sakit. nasa rejection! ano daw? pakiulit! rejection! oo nga naman. masarap ang magmahal. pero masakit ang hindi ka mahalin ng minamahal mo. subalit. datapwat. ngunit. di naman siguro kailangang mahalin ka ng minamahal mo para ka sumaya. makita mo lang syang masaya, dapat masaya ka na rin. ibuhos mo pa rin ang pagmamahal mo na walang ini-expect na kapalit. pero kung hindi mo kaya ang hindi ka nya mahalin, aba mag-evaporate ka na lang o di kaya i-unlove mo sya. magsimula ka sa pagtitig ng mabuti sa buhok nya sa ilong. hehehe
No comments:
Post a Comment