September 26, 2008

....

ang pangit ng araw ko ngayon.

di ko maintindihan. wala sa mood. parang meron ako kahit wala. at imposibleng mangyari. uminit ang ulo. napagtaasan ng boses ang isang baguhang miyembro sa trabaho. dineadma ang mga kaibigan. tinaasan ng kilay ang ibang tao. na-frustrate sa trabaho. muntik nang ibato ang mga kagamitan sa trabaho. muntik nang mag-resign. nagkamali sa mga ginawa. nawalan ng isang pagkakataon. lumabas ang mga kahinaan.

bakit kaya?

tapos kanina habang naglalakad pauwi naalala ko. napanaginipan pala kita. kaya pala.

ang pangit ng araw ko ngayon.