drama
madrama na naman daw ang buhay ko ngayon... hindi kaya! drama-dramahan lang yan! pampalipas oras... paglalabas ng literary juices... pag-gawa ng mga imahinasyon... pag-tsi-tsismis... pagkukunwari... pagkukunwari kunyari... paglalabas ng kalooban... paglaladlad ng katotohanan... drama-dramahan lang talaga... tulad nito:
ako: ateh, may sekreto ako.
ate: ano?
ako: sekwet nga eh.
ate: eh, sira ka pala eh... ba't mo sabihin sa king may secret ka at di mo naman i-share???
ako: kasi secret eh
ate: hello, miss. hello, miss! pag sinabi mo sa isang tao na may secret ka, nagpapahiwatig un na i-sha-share mo sa kanya ung secret mo. at ang secret, dapat may ibang naka-alam para maging secret. unless kung may dual personality ka.
ako: pano kung may dual personality ako?
ate: naku, lumayo layo ka na at nakakatakot ka na.
ako: ate, gusto mo bang malaman talaga?
ate: ang tanong, gusto mo bang i-share?
ako: maganda ako.
ate: ano?
ako: maganda ako.
ate: ha?
ako: yan ang secret ko. maganda ako.
ate: ay secret nga sya. hindi kita eh.
ako: pag gabi lang kasi ate.
ate: pano nangyayari yun aber? ahhh, kasi magaling magtago ng kapangitan ang gabi. may punto ka nga naman. i-secret mo na lang yan. nakakatako ibulgar!
ako: ate naman. actually, dalawa ang secret ko.
ate: ano naman yung isa? buntis ka?
ako: hindi. dalawa ako.
ate: ha? dalawa ka?
ako: dual personality.
ate: alam mo bang may mga importanteng bagay sa mundo ang puedeng pag-usapan? tulad ng pag-ibig.
ako: tama ka ate. mahal ko ang pangalawa ko. pangalan nya danny.
ate: aba may pa-danny danny ka pa jan. hoy danica, naging danica lang tawag namin sayo kasi pinakiusap mo na tawagin ka naming ganun. eh ikaw naman talaga si danny eh. actually baka tatlo pa kayo. naalala ko ang totoo mong pangalan ay danilo.
ako: ate, mahal ko si danny.
ate: natural na mahalin mo sarili mo.
ako: kakaiba eh. naiisip ko sya sa gabi. nararamdaman ko ang kanyang mga haplos. mga kamay ko ay kamay nya. mga labi ko't labi nya ay tila iisa. pero magkaiba ang aming pagkatao. nag-uusap nga kami eh.
ate: nakakatakot ka na. mag-switch ka na ng mode.
ako: ............
ate: ano? natahimik ka?
ako: switching mode lang ateh.
ate: uy danica, danny, danilo, whatever, tigilan mo ko.
ako: kaya bang i-explain ang pag-ibig ateh?
ate: .............
ako: ateh?
ate: di ko alam.
ako: di mo pala alam, bakit mo ko kinukutya kung iniibig ko si danny?
ate: eh kasi ka-weirduhan na ang pinagsasabi mo!
ako: weird ba ang pag-ibig ateh?
ate: hindi.
ako: so hindi ako weird.
ate: ..............
ako: ate, nagmahal ka na ba?
ate: ayoko ng ganyang usapan.
ako: bakit naman ateh?
ate: eh, sabi nang ayoko ng ganyang usapan.
ako: masakit siguro ang nangyari sayo. sabi ni danny, pag masyado ka raw nasaktan dahil sa pag-ibig, magiging bitter ka daw. totoo yata.
ate: leche! danilo tumigil ka na. para ka nang baliw nyan.
ako: dati, nung wala pa si danny, akala ko ang pag-ibig ay para lang sa magaganda. pero nung dumating sya, nung minahal nya ko, naisip ko meron din palang nakalaan para sa akin. meron din palang magmamahal sa kin. sabi ni danny, maganda daw ako. gumanda nga ang feeling ko sa sarili ko. kaya yun ang secret ko ateh. yun ang dalawa kong secret. at baka nga mabuntis ako. may nangyari na sa amin ni danny eh. masama ba yun?
ate: hoy, danilo, ipapa-doktor na kita.
ako: tama nga ateh. kasi baka mabuntis ako!
ate: oh, my god, ano bang nangyayari sayo?
ako: in love lang ako ateh.
ate: baliw ka na yata.
ako: sabi nga sa kanta di ba? crazy in love. oo, baliw na yata ako. dahil sa pag-ibig. masama ba yun?
ate: hindi yun masama. pero nakakatakot ka na.
ako: nakakatakot naman talaga ang mga bagay na hindi natin alam.
ate: ..............
ako: ateh?
ate: .............
ako: ateh, papakilala kita kay danny. siguro sa mga darating na gabi.
ate: .............
ako: magugustuhan mo sya.
ate: danica, tama na. tama na muna ang satsat. tama na ang drama. oras na para matulog.
ako: sige po ateh.
ate: ilalagay na kita ulit sa kahon mo ha. bukas ulit, pag-usapan natin ang mga bagay na yan.
ako: opo ateh. good night ateh dan.
(at kinuha ni dan ang kahon sa tabi nya. binuksan. hinubaran ang manikang si danica ng kanyang duster na damit. pinasok sa kahon at ipinatong sa ibabaw ng damit manikang panlalaki. isinara ang kahon. sa labas ng kahon nakasulat ang mga pangalang danica, danny, at danilo.)
ano ba itong naisulat ko??? literary juice nga ba itu? hehehe... :p
1 comment:
Here are some links that I believe will be interested
Post a Comment