lord, bakit ako pa?
ay naku! kabago bago ko pa nga lang dito sa pinapasukan kong pabrika at ang dami ko nang pinagdaanan (sabihin na nating sa pabrika ako nagtatrabaho para naman ala pelikula ang kuento ng aking career sa gemplus now turned gemalto). para na kong pro tuloy dito sa ginagawa ko!
6 months na ko dito sa beloved kong kompanya. at sa 6 months na yan, eto ang mga nangyari sa first ever project ko:
1. inassign ako as validation in-charge sa proprietary os ng project. mega aral ang beauty ko. wala kaya akong alam sa smartcards, smartcard os, rom, eeprom, emulators, at embedded.
2. ang daming new features para sa os na hinahandle ko sa project na toh!!! eh, ang mga dating projects kaya parang reuse lang from old os. eh kailangan kong gumawa ng sangkatutak na test docs, design, and codes!!!
3. kailangang ilipat from rom to eeprom ang isang test filter. ano yun??? mega test adaptation ang ginawa ko! anong alam ko sa test filters, rom, at eeprom???
4. in the middle of validation na critical na ang sked, nalaman na lang namin na isang limitasyon sa emulator na ginagamit namin? isep isep ako ng solusyon! ava, may solusyon? at sabi pa ng team lead ko, sa akin nakasalalay ang testing na ni-limit nung limitasyon na yun! hindi po ako si darna! isang milyong files ang kailangan kong baguhin para lang ma-test ang ni-limit nung limitasyon!!! hindi naman... hehehe... mga 30 test files lang ung kailangan kong baguhin. ang konti noh?
5. chip emulators, card emulators, burning to chip, reading chip manuals, reading emulator manuals, chip os commands. need i say more? anong kinalaman ko dun?
6. at ang matindi pa!!! nasiraan ako ng emulator one time... grrrr! kung kelan super busy. tapos wala pang pampalit ung tools in-charge namin. may pinalit pala sya kaso last weekend ko lang nalaman na mali ung pinalit nya. pero vaket nag-work, aver???
hehehe... mega talon talon ako sa hurdles na mga yan. nung may lang ako nag-start sa project ko. pero sa awa ng diyos nalampasan ko lahat with rainbow colors. pero, lord, bakit ako pa??? two weeks yata akong mega-overtime. asus, as if di ako sanay noh? eh, hanggang 10 lang naman ako nag-oovertime dito! and for two weeks lang. so sisiw sya! ;)
kahit medyo na-pressure ako nung last two weeks kasi sobrang critical yun sked, it paid off naman. dami ko natutunan. na-prove ko na kaya kong gawin lahat ng pinapagawa within sked. at at at. sabi pa nung manager ko nung nag one on one evaluation kami last week, "you exceeded our expectations".
wowowow! ang haba ng hair ko. feeling ko tuloy kumikita na ng bilyon ang pabrika dahil sa akin! hehehe. sabi pa ng super bait kong manager na di lang ako nag-exceed ng expectations nila kundi minimal support pa ang kinailangan ko! ava, vow na pala sila! :p at sa isipan ko, sir, hindi lang po ako maganda, masarap magluto, kumakanta't sumasayaw, magaling din po ako sa kama, este, marunong din naman po ako at madaling matuto! :p
masaya ako at napunta ako sa pabrikang ito. nakaka-bilib, ung manager namin kinakausap kami every month or at least quarterly para sa mga bagay-bagay na gusto naming iparating sa kanya. practice na rin yun actually sa amin. bakit di kaya lahat ng nasa management gawin ang ganun? at ang manager namin, namumuri talaga. at alam mong di ka pababayaan.
bleee na lang sa pabrikang pinasukan ko nun. pinakawalan nila ang hindi lang maganda, maalindog, at masarap na empleyado kundi isang empleyado na malaki ang maibibigay sa tagumpay ng isang proyekto tulad na lang ng isang bilyong kita! hahaha. as if! nagbubuhat na ko ng silya ko! :p
naalala ko lang. may vg yatang nabanggit sa akin dati. ngayon fa na daw. hmmmm... :p
No comments:
Post a Comment