December 17, 2007

dec 17: pang-himagas

ang sarap talaga ng silk soya milk! grabeh! i just might consider moving here or not leaving because of it! hehehe

now sleep na talaga! :p

dec 16: pahabol

pumunta pala kami sa isang malaking place na factory outlets ng branded rtw. gosh! ba't ko ba nakakalimutan yung mga names nung places na pinuntahan namin??? i think it's just the cold! :p

hay, etong mga kapatid ko nahihiya pang ipag-shop ni ateh! ako na lang tuloy nakabili for me! isang sapatos na naman from hush puppies! darn! sira ang budget.

pero babalik ako dun bago umuwi! hekhekhek!

dec 16: crab galore

wala lang. gumising ako. kumain ng chimichanga. breakfast yan ha. pang-restaurant ko yan sa singapore. :p at uminom ng pinakamasarap na soya milk na natikman ko! natulog ulit. pagkagising, 130pm na. kawawa ang mga kapatid kong nag-antay. walang lunch!

pumunta kami sa anumang pangalan ng lugar na yun. basta sa fisherman's wharf. ung parang sutukil ng cebu or dampa ng manila. pero crabs lang yung buhay na pinipili namin. we got 4 rock crabs and 1 spider crab. naloka ako sa spider crab. sing-laki nya si tobey maguire! at medyo chewy din sya kainin. inimagine ko na lang na nginunguya ko ang muscles ni mr tobey! hehehe.

it was super duper late na lunch. then pecture pecture dun sa dock. may mga yachts. pagkatapos nag drive lang sa isang place na ang mga bahay ay nag-decorate for christmas. ok naman. not really as elaborate compared kung yung pinoy ang nag-decorate! although, masasabi mo ginastusan din talaga kasi ung iba may singing santa clause pa sa gate nila at mga umiilaw at tumatango-tangong reindeers!

uwi lang. then sa lahat ako lang ang nagutom! ano ka ba emman? sawa na yata ang alaga mo sa tyan! imagine, ung mga kapatid ko nag-milk lang then tulog na? habang ako nagluto pa ng hash brown and egg. tapos eto umiinom ng soya milk habang tinatapos ang kaeklatan tong blog na to! hehehe. hay, na-entice ako ng ben and jerry's ice cream sa ref. pagtikim ko, YUCK! parang sira! hay ang expiry date aug 2005!!!! ha? ano ba yan??? two years ago pa ba yan na pinabayaan sa ref??? kaso di ko sila matanong. tulog na lahat eh. eh pano ba naman? 4pm pa kaya sa nasanayang kong bansa! so bukas na lang.

at eto ako, tatapusin ko na to. iinom na lang ako ng soya milk ulit! ang yummy! :) night night!

good night v. i miss u already! hahaha. ang na-intriga, iniintriga ko lang! :p

dec 15: maganda pa rin

pagkalabas ko ng eroplano sa pang-daigdigang paliparan ng los angeles (tama ba? hala, mag-tagalog ka pa emman), otherwise known as los angeles international airport, aba umikot ang aking mundo. para akong lasing na rumarampa palabas ng aeroplane. sa isip ko, eto na ba ang jet lag? di ko kasi alam kung ano talaga ang jet lag. kalasingan lang pala? :p

napatingin ako sa isang glass door. laking gulat ko! ang ganda ko pa rin! :D talaga naman talaga! kahit saang lupalop ng daigdig. kahit anong oras. kahit anong kondisyon. ang kagandahan ni emman walang kakupas-kupas, parang papayang hindi naaagnas! wehehehe.

pero ha, nalusyang ako sa trip na yun. akala ko kasi maluwag ang mga upuan ng eroplano. eh kasi naman 12 hours kaya ung byahe so medyo high ang expectations ko. hay naku, tulad lang ng regular na airplane seats and spaces. imagine? good thing na lang at bakante ung gitnang upuan at may napatungan ako ng aking mga faa. in fairness, masarap ang fagkain. subalit, nakakainis ang nasa likod kong mag-ina kasi mega tantrums ang anak maya maya. parang baka kung umiyak at parang lindol kung sumipa ng upuan ko. hindi ako nag-reklamo kasi bata nga naman at napaka-uncomfortable nung upuan.

nung nasa immigration na ako, mega ang aking kaba. syempre baka i-deport nila ako. baka bawal ang exotic and erotic beauties. baka ayaw magkaron ng gulo sa bansa nila. mahirap pa naman magkagulo ang mga amerikanong lalaki. mga aggressive. lalo na yung mga guapo! :p anyways, dun ko napatunayan ang aking androgenous beauty. kasi habang nakapila kami ng 48 years (equivalent to 1 hour human time), mainit so hinubad ko ang aking jacket at naka-sleeveless na lang. may dalawang babaeng mexicana (feel ko), na tingin nang tingin. at nagbubulungan. ang nakuha ko lang ay "hombre"... di ba lalaki yan? so bale, nag-gue-guess sila actually kung anong kasarian ko! hay naku, 0.5 points lang maibibigay ko kasi half lang ang tama nila. of course, i'm half-man half-goddess! :p

come interview time with immigration officer, simple questions. what are you doing here? how long are you going to stay? how many times have you been here before? after that, you can go na ang sinabi. huwow! praise heavens! ;)

ang next na challenge ay paghahanap ng aking bag. gosh! iba ang kinuha ko na kamukha nung bag nina sue. grabeh mega bigat pa naman. na-mroblema na ko kung pano ko ibalik. di ko na sya carry. siguro within 5 minutes na naibaba ko, nagmagandang loob ang isang pinoy (although nag english sya) na ilagay ung bag kasi malamang hinahanap na daw. ows? style! nagandahan ka lang sa kin eh! hehehe

at nung nahanap ko na, hay pila na naman sa customs bago lumabas. may interview portion din. are you bringing any meat, poultry or fish? no, sir. i come in fish, este, in peace only. how about seeds and plants? the seeds have been planted already in my stomach sir a few nights ago! don't worry, it will only grow babies. how much money did u bring? secret! :p

pagkalabas ko, wumawagayway ang aking ina, ama, at mga kapatid. at no sue, walang mega drama. ngiti lang. siguro glint of a tear or two. ;)

then off we go. aba, ang sasakyan bago at maganda. kakabili lang nung dec 19 in preparation for my arrival. gosh! puede ko bang iuwi yan? :p

nag-dinner kami sa denny's which is just behind nung tinitirhan ng pamilya ko. first time nila dun kahit nasa likod lang ng bakuran nila. ang damages? 80USD including 15% tip. ang laki noh? for meals na pang-breakfast ang dating (bread, toast, hash browns, etc).

hay nung home sweet home na, syempre labasan ng pasalubong, tingin tingin sa paligid (sobrang okay), at ang ref punong puno ng pagkaing dito ko lang yata makikita sa 'tate. yun ung okay for me. ang food. pero sa drive drive at gala gala namin, nothing really special. just very wide roads. wala pa kong super guapong nakita.

mega ang aking tulog. di ko maintindihan ang oras. nalilito ang aking katawan! :p


December 05, 2007

sikat

tau-tauhan: big boss, mystery girl, kaibigan ni mystery girl, officemate.

boss to mystery girl: how do you know each other? (referring to the kaibigan of mystery girl) did you work together in cebu?

mystery girl: ah, no. but we come from the same school. we just met here at our company.

boss: ahhh...

sa kabilang bahagi ng mundo.

officemate to kaibigan ni mystery girl: oh, so you went to the same school?

kaibigan ni mystery girl: yes.

officemate: is she famous there? (more of like a rhetorical question)

- abangan ang susunod na kabanata -