Nakakahiya na ang blog ko. Puro na lang kadramahan sa puso! Puro na lang kabadingan! Ang nilagay ko pa naman na intro (look at the leftmost topmost text) dito sa blog ko ay magsusulat ako ng tungkol sa lahat ng bagay na meron akong masasabi. Kaya ngayon mag-fi-film review ako para maiba naman! :p
Last June 6, 2006, I watched the movie "The Omen". Ang film review ko? PANGET SYA!
Yun lang. Ganun lang ka-simple. Tapos na ang film review ko.
Now, off to more important matters…
Kasama ko manood si Papa Ken. Dun pa kami nanood sa napaka-pangit na sinehan. Para syang mga sinehan sa downtown area ng Cebu. To think na nasa Singapore kami! Pang-chancingan yata ung sinehan na yun eh. Malas lang ni Papa Ken at maraming nanood that time. Wa success ang plan nya (kung ano man yun! Sayang! Tsk tsk tsk! Hehehe). Anyways, hindi naman puro kapangitan lang ang labas naming yun. In fairness, para syang meant to be dahil sa date. Parati kasing na-me-mention sa movie and date na june 6. I later found out in the news na june 6, 2006 is considered a lucky day para sa mga chinese. Di ko alam yun. Lucky pala un? Eh para sa iba satanista ang numbers na 666. ang interpretation ko naman sa date na yun ay oh-sex oh-sex oh-sex! Bwhehehe. Ang daming nagpakasal that day kasi nga lucky day daw. Aba kung alam ko lang yun, sana sa simbahan ko na dinala si papa Ken instead na sa sinehan. Hehehe. Pero as I said, enjoy naman. At least napag-usapan namin ung gf nya na may laban naman pala sa kin kung kagandahan ang pag-uusapan. Un nga lang di pa ko ganap na babae. Sirena pa lang ang pinakamataas na status na nakamit ko! :p So masaya ako para sa kanya.
Ang bango pala ni Papa Ken. Tuwing napapatili ako sa movie (oo kahit pangit ang movie, may takot and tili moments din ako), napupunta ung ulo ko sa shoulders nya. Wow, amoy baby cologne! Hehehe… Hindi! Mamahalin naman yata ung pabango nya! :p kulang na lang "hug mo naman ako. I'm so scared eh. Promise!" :p
Anyways, naalala ko lang before pala nag-start ung movie, napadaan kami sa malaking poster nung superman. Sabi ba naman ni Papa Ken, "Guapo kaayo na sya noh?". Aba, type ba si bagong superman??? Sabi ko na lang "oo, kamukha nya si albert martinez". Teka lang. kung sakaling type ni Papa Ken si superman, karibal ko sya. Kasi crush ko si bagong superman eh. At since crush ko rin si Papa Ken, karibal ko naman si superman kasi kaagaw ko sya sa atensyon ni Papa Ken. At since SINCE, may something din sa akin si Papa Ken, karibal ako ni superman sa puso ni Papa Ken. At ito pa ang mas matindi! Since sure ako na pag nakita ako ni superman in person willing syang i-give up ang superpowers nya para lang sa akin. Ganyan nya ako ka-mamahalin! At since hindi naman kapangitan itong si Papa Ken at uso na ngayon ang bisekswalidad, so posibleng ma-attract itong si superman kay Papa Ken. Omigod! Mag-karibal ako at si Papa Ken sa puso ni superman! Grabeh! KARIBALAN na itu! :p Ok lang! Threesome na lang kaya kami? The more the manyer. :p
Anyways, masaya ung nood namin ni Papa Ken. At di na yun mauulit! :p
Kasi wala nang darating pa na June 6, 2006. Mag mantra na lang tayo. Sabayan nyo ako. Oh-sex oh-sex oh-sex!
Author's note: Ang mga nakasulat sa itaas ay hango lamang sa guni guni ng isang walang magawang magandang nilalang ni lord na nag-iidolo sa sex-starved lola ni booba sa pelikulang booba! Mabuhay ako! :D