June 22, 2006

iba ka

iba ka
kumpara sa iba

uhm, hindi pala

may mga nakilala din ako
na katulad mo

tahimik
misteryoso
mukhang malalim
mukhang matino

ngunit
bakit ganun?
iba ang dating mo sa akin
iba ang pakiramdam ko sa yo

kumpara sa iba

yung iba
tahimik din
misteryoso
malalim
matino
at minsan mas
kaakit akit pa
kesa sa yo

ngunit iba
ang pakiramdam ko sa yo

gusto ko sila
yung mga katulad mo
pero di tulad ng pagkakagusto ko sayo

oo, gusto kita
kakaibang gusto
kumpara sa pagkakagusto ko sa iba

at dahil dyan
natatakot ako

No comments: