kina-career ang trabaho
hahay, late na naman akong nakauwi. 2 weeks na akong mega busy. to the point na pumapasok pa rin kahit may sakit. eh pano ba naman? ung mga counterpart engineers namin sa france, bakasyon nang bakasyon. tig two weeks pa. isa lang matitira then the next week sya naman ang mag-le-leave at papalitan lang ng iba. at itong boss din namin dito, aba, feeling ko nagpapasikat. kabago-bago pa lang kasi eh. so dapat mega ganda points sa mga nakatataas. hmph! supposedly last week pa ang release pero ngayon may problem. next week na naman. kanina may problem na naman. mega escape na nga ako kanina kasi pagod na at gutom, hinabol ba naman ako ng tawag. una sa taxi. then pangalawa nung nasa bahay na ko. pero in fairness, hindi na masungit kung makipag-usap sa kin ang boss ko ngayon. unlike dati na parang tigre pag kausapin ako.
which brings to my next point. dahil sa kasungitan nya, wala akong ganang mag-trabaho. nag mega apply ako actually. ang dami din namang tumawag. medyo marami na rin akong phone interviews. pero lahat binagsak ko! yung 8+ years experience ko sa c++ ay walang sinabi sa mga kailangan ng mga nag-interview sa kin. pero actually hindi ako sa interview bumagsak eh. sa exams lahat at sa isang mega technical interview.
nakaka-depress. feeling ko ang bobo ko na pala. 8+ years wala akong binatbat!
ang mga tinarget ko na investment banks, wala ni isa nag-contact. hindi talaga ako qualified dun with my background. hindi masyado masakit kasi wala lang talaga ako nung kelangan na mga skills.
second merong isang startup na financial company. over the phone ang technical interview. my gaaddd!!! super technical talaga. sa third question pa lang, ayoko na. buti na lang hininto na namin. di actually masakit kasi nagdadalawang isip ako sa isang startup. baka dun na ko mamatay sa opisina nun sa mega ng trabaho.
third sa lta. gusto ko dito dati kasi government office. maganda ang perks and benefits. buti na lang di ako swak actually sa hinahanap nila. di ako puede sa security and crypto. di ako puede component level programming. at lalong wala akong experience sa .net. buti na lang kasi sabi nung manager usually 11pm umuuwi karamihan ng tao nila. di ko na binenta actually sarili ko. so ok lang.
fourth sa borland. hmmm, medyo half-hearted yung application ko dito. tatlong positions ang pinag-submitan ng dalawang agents sa borland. sinubmit ko pa ang resume ko sa isang kakilala. may edge pa sana ako dun sa exam na puro essay. inansweran ko halos lahat kahit di ko masyadong alam ang concept. na-dedo yata ako dun dahil lumalabas na nag-gue-guess lang ako ng answers at mali mali ang pagkaintindi ko. totoo naman. although, hindi naman ako totally naghahangad na mag-work sa kanila, parang bruised lang yung ego ko na hindi na ko tinawagan after nung exam.
fifth sa ea games! wow! ea games! naisip ko agad playstation, psp, nintendo ds, at pc games. bigatin. na-excite akong isipin na eto na yung chance kong makagawa ng games. hmmm, pero nung pumunta ako sa office nila, di ko na-typean. maganda actually ang office pero yung mga tao parang hindi ko feel. at ang exam pa, mega hirap! pinag-code ba naman kami nung mga itoa at atoi functions at mga binary search tree functions. plus nagtanong pa about mga running time. gusto ko nang itigil actually. at nung sinabihan akong time na, well, ang saya ko. walang follow up call. ok lang. hindi masakit.
sixth sa isang japanese company. gusto ko dito! sobra! konti lang sila sa office pero napaka-homey. naalala ko yung vicon and nec. parang pinaghalo nung dalawa. maliit na japanese firm. mabait ang manager. obviously sa interview, gusto nila ako. may take home assignment daw for the next na evaluation. kinindatan pa ko nung HR na kayang kaya ko yun. team lead yung position at visual c++. naku, my skill sabi ko! nung inemail yung assignment, nag-panic ako! drag and drop mechanism between splitter windows! gosh! di ko na-implement ang drag and drop dati sa project. pano ko sya magagawa in one week??? humingi ako ng extension. binigay naman. lumampas pa rin ako ng ilang oras sa extended deadline. tumawag ang agent at sabi na inaantay nila ang assignment ko. lahat nakapag-submit na daw at ako actually ang kanilang gusto sana. buti na lang nagawa ko. hay, kaya ko palang i-implement ang drag and drop. but sad to say, hindi yata at par yung implementation ko sa ibang candidates. eh, pano ba naman? spaghetti yung code ko dahil sa kaka-trial and error ng mga mfc functions. :( eto medyo masakit. gusto ko sana yung company kahit alam kong di nila kayang tapatan ang benefits ko ngayon.
ang huli yung pinakagusto ko sa lahat. ang autodesk. dumaan ako sa matagal na screening. isang 1 hour phone interview tungkol sa project ko dati. grabeh ang pag-gisa sa kin. buti na lang nasagot ko lahat. next 1 and a half hour phone technical interview. ay, eto inisip ko baka di ako pumasa. super hirap. pero ini-schedule nila ako ng final screening which composed of three parts. hanggang first part lang ako. technical exam. meron multiple choice about c++ concepts, multiple choice about mfc, and determining the output ng c++ code. inisip ko baka mababa lang ako dun sa concepts and mfc kasi nakalimutan ko na. medyo confident ako sa code. pero baligtad ang kinalabasan. ang taas ng concepts at mfc ko. bagsak ako sa code! dun ako mega disappointed sa sarili ko. di ko inakala na ganun ko ka hindi nakuha yung mga outputs nung code. nakita ko yung mga tricky statements pero bumagsak pa rin ako? napaisip tuloy ako if tama ba yung answer sheet nila. kasi naman halimbawa yung operator- nila eh addition ang ginagawa sa loob. pero hindi ko tinry i-refute yun kasi baka isiping nagmamarunong lang ako. kahit yung manager medyo na-disappoint. ang taas daw ng expectations nila kasi ok yung first two screenings ko. at pinapapunta lang nila sa office nila for the final three parts ng screening pag sure na silang malaki ang chance na matatanggap. pero nakakatakot din actually ang second part nung tinanong ko kung ano yun. ang sabi eh design walkthrough. ngak! parang bibigyan yata ako ng design problem at i-so-solve on the spot. in a way, parang ok na rin kasi baka atakehin ako sa nerbiyos kung umabot ako dun. pero ang ganda dun sobra. may mga naka-shorts lang. yung iba mga 11am na dumating. ang autodesk ay isa sa 100 best employers in 2006 sa US. wear anything you want ang isa sa mga policies nila. handa na sana akong naka-casual dress parati. hehehe. nagawa pang magbiro kahit bigo! :(
hay, ayaw ko munang mag-apply. hindi na yata ako puede sa development. pero inisip ko in a way they all lost a potential very good employee. nag-trace ako nung lahat ng mga projects ko dati sa entire working life ko. wala akong boss na naging unsatisfied sa performance ko. nakapag-deliver ako ng mga software of high quality! naks! nagyabang. pero totoo naman. ang hirap lang talaga pala ng screening ng mga companies dito. actually lumulusot ako sa interview. pero pag may halong mega technical, medyo pumapalya na ako. kailangan ko na yatang mag-review. pagpatuloy ko pa ba ang development? or stick na lang ako dito sa validation?
sa bagay, maganda rin ang future ng validation. at siguro stick muna sandali dito sa kumpanya ko ngayon. nagiging mabait na sa akin ang boss ko. at pinaparinggan pa nya ako ng team lead role sa validation. ayan! yung mga nag-deny sa kin, ay wala, they lost what could have been a valuable engineer. sa susunod dapat nagtatawag sila nung references ko. or kahit dun sa mga dati kong managers or supervisors. medyo kampante ako na puro papuri ang maririnig nila except na lang siguro na distracting ang exotic na kagandahan ko! hehehe.
hahay ulit. kakapagod tong sobrang subsob sa trabaho. affected na rin ang social life ko. di ko na maatupag ang aking dearly beloved fwends. sa office, pinapaalis ko agad pag gustong makipag-chikahan. sorry janz and neil. i'll make it up next time. hahalikan ko kayo. di na rin ako makasama sa lunchout ng aking pinakamamahal na mag sweethearts. sorry sue and johnex. sama na ko ulit two weeks from now. hehehe. mahal ko pa rin naman kayo. at di ko na maatupag ang aking mga crush. nagkawatak watak na sila sa aking isipan! :p
depressing ang stress at ang ma reject ng maraming beses especially nung dalawang kumpanyang gusto ko. pero sige lang. hindi siguro talaga ako dun dapat.
it's time for plan b. ay plan c na lang pala! :)
-----
napahaba na nitong monologue ko. puede nang maging piece sa linggo ng wika! :p

No comments:
Post a Comment