January 30, 2007

nakuha lang sa mwah

prologo

napansin ko na madalas nangyayari ang small world phenomenon sa panahon ngayon. nagiging uso na yata ito. gaya ng poker na nagiging uso na sa isang tipon ng magkakaibigan na pawang ang purpose in life ay ang aliwin ang isa't isa. ang www.triplejack.com ay tila isang malaking lugar sa dami ng walang magawang tao na pumupunta dito ngunit ito'y isang napakaliit na mundo lamang para sa dalawang nilalang na pinagtagpo.


nota (wow!)

ang kuentong ito ay hango sa totoong buhay. sadyang pinalitan ang pangalan ng mga tao tauhan para ma-protektahan ang kanilang pagkatao, reputasyon, at pangalan.


ang napakaikling kwento

habang naglalakad ang magka-abakadang barkadang sina emstie, sustan, jonext, laitanie, jaston, shith, at lentie galing sa isang larong hampasan at tilian, kinuento ni emstie ang isang nangyaring nagpakilig sa kanya. yung tipong kilig na nakakalaglag panty.

emstie: uy, sustan, naglaro ako kanina sa triplejack. nanalo ako sa tourney ng tatlong beses. and guess what? may naka-flirt pa ako! at binigyan nya pa ako ng pera! ang bait!

sustan: huwow! anong name nya?

emstie: x!

sustan: x??? si istamtlie yan ah!

sustan, jonext, laitanie, jaston, shith, lentie: wahahaha.

emstie: ngeh! ang small world! hahaha!

sustan: ano nangyari?

emstie: sumali ako sa 2k tourney. ewan ko kung pano nagsimula kaming mag-chat. basta nagkakulitan lang hanggang sa sinabihan nya ko na mag-heads up kaming dalawa. aba, mega concentrate ako para umabot ng heads up. tapos kami nga ang nag heads up! aba, ang bait. sinabi nya sa kin cards nya para mag all in kami. nanalo nga ako! tapos sabi pa nya na laro daw ako parati para dumami pera ko! naks! nag-mwah-mwah pa kami. kaka-inlab!

sustan: ava! si istamtlie namimigay pala ng pera. at may style ha. mwah mwah.

emstie: sabihin ko ba sa kanya?

sustan, jonext, laitanie, jaston, shith, lentie: wahahaha. huwag!

emstie: ok. hihihihi.

maya maya habang naglalaro ang magkakaibigan ng poker na kasama na si istamtlie.

emstie: istamtlie, naglaro ka ba sa triplejack kanina?

istamtlie: ah, oo. isang beses lang.

emstie: magkano pera mo? nanalo ka ba? hahaha.

laitanie: nag-bu-blush ka na emstie!

istamtlie: ha? nandun ka? sino ka dun?

emstie: hihihihi.

istamtlie: ikaw si y???

emstie: hihihihi.

sustan, jonext, laitanie, jaston, shith, lentie: wahahaha.

emstie: ang flirt mo!

istamtlie: ikaw kaya naunang mag-sweetie.

emstie: uy, ikaw kaya naunang mag-mwah mwah. hihihihi.

sustan, jonext, laitanie, jaston, shith, lentie: uyyyyyyyyy....


epilogo

ang "uyyyyyyyyyy" na hirit ng mga kaibigan ni emstie at istamtlie ay hindi totoong nangyari. para lang magkaron ng laglag panty kilig moment ang maikling kwento. nakakatuwa ang ganitong mga small world na pangyayari. ngunit delikado din eto. kung sakaling hindi kaagad nalaman ng dalawa ang katotohanan, malamang parating magkikita ang dalawa sa triplejack. ang nakakatakot isipin ay ang magka-developan ang dalawa at mag-desisyong mag eye ball! naku! isang malaking tragic comedy ang kalalabasan! tragic kasi hindi dapat magka-inlaban ang dalawa. comedy kasi magkakilala lang sila. at sa mga ganyang pangyayari minsan nababago ang status sa friendster into "it's complicated". ang totoong emstie at istamtlie ay kapwa umiiwas sa ganyang status kahit na parating ganyan ang kinahahantungan sa totoong buhay.

si emstie at istamtlie ay magkaibigan pa rin hanggang ngayon.

No comments: