May 22, 2007

memoirs of a "gay sya": dyke sya

conscious ang paglalakad ng isang girlalou. mabagal at mahinhin pero alam mong conscious. dahil na rin siguro sa bago nyang hairstyle. maiksi. kulay brown na may highlights na blond. hindi naman sya mukhang igorota, ang kinatatakutan nyang itsura kapag sya ay nagpakulay ng buhok. papunta sya sa kanyang hairstylist.

hairstylist: antayin mo na lang ako sa labas.

girlalou: o sige.

umalis si girlalou para ikot ikot habang antayin ang kaibigang hairstylist na nagkulay ng kanyang buhok.

boss ng hairstylist: is your friend a lesbian?

hairstylist: huwahahaha. you should tell that to her when she's here lor!

boss ng hairstylist: she looks like a girl who tries to be a boy.

hairstylist: wahahaha.

dahil na siguro sa pagiging conscious sa sarili nya at naging awkward ang mga kilos ni girlalou. ok na rin. at least nasabihang babae si girlalou. besides, patok ang mga lesbiana sa pantasya ng mga lalaki!

No comments: