May 16, 2007

plastic beauty

arrrggghhh!!! naiinis na ako sa ginagawa ko at sa mga katrabaho ko! puro feeling!

sa meeting lahat magsasalita ng sabay sabay kasi alam nilang lahat ang ginagawa at sinasabi nila! actually, hindi naman ako over na naiinis habang pinapakinggan ko ang kanilang mga pagtatalo. natawa ako actually kasi puro nila dinidiin ang points nila. ang hindi nila alam, kaya sila hindi magkasundo kasi iba na ang pinag-uusapan ng bawat isa. hindi na sila pareho ng subject! ayan sige magmagaling pa kayo!

so anong ginawa ko? nakatingin lang sa kanilang lahat. pangiti-ngiti. pasulat-sulat. patagong nag-dra-drawing. nag-fla-flames. uyyyy. nag-po-pose ala america's next top model kasi may reflection sa glass wall ng meeting room. naglalaro ng bracelet ko. nag-co-compose ng poems sa isip. at nangangarap! :p

kung nasa labas ka ng meeting room at makikita mo kami, ang tingin mo sa kanila ay magaling silang lahat. kasi nagsasalita na may kasama pang wagayway ng kamay sa himpapawid. pag tiningnan mo naman ako, ay mamangha ka, kagandahan ang makikita mo kasi nag-pa-pout-pout ako ng lips at nag-po-pose-pose nga sa harap ng transparent glass wall. hihihi.

syempre tinatanong din nila ako. at para hindi sabihing bobo at hindi nakikinig, nagbibigay din ako ng opinion. buti naman at sound and valid din ang mga opinions ko. ;)

at syempre may mga times na hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi nila. pero nakakapagod makipagtalo sa mga taong ganito. yung alam nilang perfect na yung mga isip nila. kaya kahit naiinis na ako sa sinasabi nila o binibigay nila sa kin, oo pa rin ang sinasabi ko. okay pa rin ang sinasabi ko. nginingitian ko pa rin sila.

ganyan ang nakasanayan ko eh. ganyan ang naging training ko sa buhay. mahirap talaga maging isang beauty queen! :p

6 comments:

chris said...

idol ka talaga! magandang ehemplo para sa napaka-highblood na mundo nating 'to.

ika-nga ng supervisor ko dati, para kang naging "flower vase" sa meeting na yun.

at syempre nag-tagalog ako ng husto para hindi nila mabasa haha!

emmz said...

sa wakas at nabuhay ka na rin!

ano na ba nangyari sayo iho? kinain ka ba ng iho??? hehehe (iho is pating in bisaya) :p

hay kung alam mo lang chris... ;)

siguro dahil na rin yan sayo kung bakit ako naganyan... dahil sa email mo dati about singapore having the fastest walkers in the world, consciously pina-practise ko ngayon ang maglakad nang mabagal. in a way, affected ung buong mood ko. i tend to be laid back and not put pressure on myself. kaya na rin siguro ako passive sa office. hehehe. parang high! :p

uy, mag-update ka na. ano ba! :p

Anonymous said...

funny post. :)) makawala sa duka.

emmz said...

hi jay! i didn't know you're a big fan of me! hahaha :p

na, magsige na lang ko anig huna huna og funny things to post. ma-pressure man pud ta. i know you're so hard to please ra ba! good luck to me! :p

thanks for dropping by, though ;)

Unknown said...

those b***hes :D pasagda-i sila oi. basta gwapa gihapon ta, wa na sila mabuhat ana :D

emmz said...

hahaha

kurak ka jan, mare! ;)