August 04, 2006

singapore sale

great singapore sale sa singapore (where else? what a surprise!) june, july, august. i think june lang naman talaga but the mega sales have extended hanggang ngayon. some stores call their sales as summer clearance sale. i went to bossini yesterday in bukit batok and was drawn by the sign that read "all bottoms at $29 until today only". aba nakapag-shopping si emman ng di oras! nakabili ng dalawang girly girly jeans na originally ay $49 each. eh, kasi inisip ko kinabukasan (which is ngayon) babalik na sya sa regular price nya. ava! pumunta ako kanina sa bossini in suntec city naman! grrrr! 50% off! so $24.50 na lang yung jeans! kaya pala last day nung $29 kasi mas bababa pa sya! ganyan sila mag-sale! nakakainis! yung $4.50 each na savings ko sana sa nabili ko kahapon, naipangbili ko na sana ng picture frame! hahay!

50% off din ngayon ang mga shoes, kaso yung mga nagustuhan ko di kasama sa sale :( sana bukas magbago isip nila at i-sale ang mga iyun!

anyways, ung jeans pala na nabili ko 24 lang ang waist! ava sumexy ako lalo pala! hehehe... hindi, malalaki lang talaga ang mga tiyan ng mga singaporeans. iba ang size 24 yata sa kanila! :p tapos i bought earlier two shirts sa bossini din na muntik ko nang bilhin kahapon which was $16 each! buti na lang di ako bumili! $8 na lang kanina!!!

bukas shopping ulit! :p hopefully may makita na akong shoes....

pero nag-iisip pa rin akong uwing pinas next week. tingnan ko na lang sa budget at schedule. sayang kasi yung ni-reserve ko na ticket eh. :(

No comments: